Turning Back To My
img img Turning Back To My img Chapter 4 Duda
4
Chapter 6 Lovely vs. Nicole img
Chapter 7 Sundo img
Chapter 8 Pangamba img
Chapter 9 Selos img
Chapter 10 Simula img
Chapter 11 Pag-aalala img
Chapter 12 Surpresa img
Chapter 13 Muntik img
img
  /  1
img

Chapter 4 Duda

"SIGURO kapag pumupunta ka rito, lagi kayong namamasyal dito, 'no?" Sabi sa kaniya ni Anthony habang naglalakad sila sa may tabing dagat na magkahawak ang kamay.

"Oo," tugon niya.

"Sino ba siya? Ipakilala mo Naman siya sa akin." Sambit ni Anthony habang naka tingin sa tubig.

"Sino ba sinasabi mo?"

"Yong lagi mong kasama dito sa pamamasyal."

"Sira!, Sila tita Ana at mga pinsan buo ko yung lagi kong kasama rito, 'no? Lihim na napangiti siya.

"Ikaw talaga napaka rumi ng iniisip mo. Mamaya totohanin ko yung ibinibintang mo sa akin, e. Alalahanin mong marami ang gustong manligaw sakin dito kapag nandito kami sa probinsya."

"Alam ko naman e, kaya nga hindi ako naniniwala na kamag anak mo yung nakakasama mo dito sa pamamasyal." Lungkot na sabi ni Anthony.

"Kita mo na? Pinagbibintangan mo pa ako talaga na may boyfriend dito."

"E di totoong may boyfriend ka rito?"

"Talaga," inis na wika nito. "Dalawa pa nga sila e"

Napansin niyang unti unting nawawala ang bakas na kasiyahan sa mukha ni Anthony.

Napangiti siya sa reaksiyon nito " naniwala ka naman?"

"Ikaw na ang nagsabi e"

"Kakaiinis ka kasi, e. Pinagbibintangan mo ako kahit hindi naman totoo."

"Nagbibiro lang naman ako."

"Edi nag bibiro lang din ako," aniya at napatawa.

Inakbayan siya ni Anthony. Patuloy sila sa paglalakad sa tabing dagat. Dinadampi ang bawat minuto na magkasama sila.

"Sayang," sambit ni Anthony. "Kung may dala sana tayong damit sarap siguro maligo dito."

"Oo nga e," saad ni Lovely.

"Biglaan kasi ang pagpunta natin dito."

"Sus kung hindi pa kita niyaya dito , naroon sana tayo sa Jed's resort."

"Kung gusto mo doon nalang tayo pumunta sa susunod."

"Sige."

Umopo sila sa isang malaking bato. Pinagmasdan nila ang malawak na karagatan.

"Payapang payapa ang tubig, 'no?" Sambit ni Anthony.

"Oo, nga e." Tugon nito.

"Sana, manatiling ganito kapayapa ang relasyon natin."

Napatingin siya kay Anthony. "Kung hindi mo lang pinatulan si Nicole hindi naman tayo magiging magulo." Saad niya.

Tumingin siya kay Lovely. "Pag usapan nalang natin yung future natin." Sambit ni Anthony.

"Ano ba talaga ang plano mo para sa atin?" Tanong ni Lovely.

"Gusto ko, kapag ikinasal tayo gusto ko yung venue nasa dagat." Sambit niya. " At gusto ko magkaroon tayo ng sarili nating negosyo." Dagdag pa niya. " Para iyong na lamang ang asikasohin natin. Ayoko ko kasi mamasukan pa tayo sa kahit kanino. Mas maganda kung lagi lang tayong magkasama at nagtutulongan sa kahit na anong gawain lalo na sa pagmamaniobra sa sarili nating negosyo." Mahabang tugon ni Anthony.

"Kung sabagay, mahirap sa mag-asawa ang parehong magkalayo sa isa't isa. Madaling matukso sa kahit kanino lalo na yung lalaki." Napatawa siya.

"Pareho lang yon," pagsisingit ni Anthony sa sinabi ni Lovely. "Doon nga sa pinagtatrabahuan ko, yong mga kababaihan doon, may kaniya-kaniyang kaugnayan sa mga kasamahan ko roon. Nakakaawa naman ang mga Asawa nila. Hindi nila alam na niloloko."

"Nasa babae rin naman yon, e. Kung talagang ayaw nilang pagtaksilan ang kanilang mga asawa , bakit sila papatol sa iba?" Saad ni Lovely.

"Mahina ang babae," saad ni Anthony. "Kapag napakitaan sila ng mabuti ng isang lalaki, madaling nahuhulog ang loob nila."

Napatingin siya kay Anthony. Hindi man siya sumagot pero sang-ayon siya sa sinabi nito. Dahil babae rin siya. At gano'n ang nararamdaman niya noong bago pa lamang siyang nililigawan nito.

"Teka! Bat naman nauwe tayo sa ganitong usapan?" Tanong ni Anthony.

"Ewan ko sayo."

"Ganito nalang malapit na rin naman lumubog ang araw hintayin nalang natin tsaka uwe na tayo." Saad ni Anthony.

"Sige, Ikaw bahala."

Habang hinihintay ang pag lubog ng araw tumayo muna si Anthony upang bumili ng makakain. At pagkabalik niya dala ang dalawang ice cream na nabibili sa street.

"Oh." Iniabot ni Anthony ang dala niya.

"Thank you." Saad ni Lovely.

Masaya nilang pinagmasdan pag lubog ng araw mula sa kanluran at ang tubig ay kulay orange na medyo mapula dahil liwanag na tumatama mula sa araw.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022