Minerva (Filipino)
img img Minerva (Filipino) img Chapter 2 KABANATA II: GALAW
2
Chapter 6 KABANATA VI: NANAY img
Chapter 7 KABANATA VII: LIBING img
Chapter 8 KABANATA VIII: PAMILYA img
Chapter 9 KABANATA IX: KARWAHE img
Chapter 10 KABANATA X: SAKOP img
Chapter 11 KABANATA XI: BANTA img
Chapter 12 KABANATA XII: IMAHE img
Chapter 13 KABANATA XIII: DALISAY img
Chapter 14 KABANATA XIV: SIGBIN img
Chapter 15 KABANATA XV: DINIG img
Chapter 16 KABANATA XVI: ILOG img
Chapter 17 KABANATA XVII: MASID img
Chapter 18 KABANATA XVIII: LETRA img
Chapter 19 KABANATA XIX: GRANDORYA img
Chapter 20 KABANATA XX: REYNA img
Chapter 21 KABANATA XXI: PALASYO img
Chapter 22 KABANATA XXII: HARDIN img
Chapter 23 KABANATA XXIII: PAG-AMIN img
Chapter 24 KABANATA XXIV: GINOO img
Chapter 25 KABANATA XXV: MAPANIBUGHO img
Chapter 26 KABANATA XVI: SALAMANGKERO img
Chapter 27 KABANATA XXVII: SABAY img
Chapter 28 KABANATA XXVIII: PULA img
Chapter 29 KABANATA XXIX: PAGPAYAG img
Chapter 30 KABANATA XXX: KATAPATAN img
Chapter 31 KABANATA XXXI: DAMIT img
Chapter 32 KABANATA XXXII: PIYESTA img
Chapter 33 KABANATA XXXIII: PANAUHIN img
img
  /  1
img

Chapter 2 KABANATA II: GALAW

Sa isang malawak at luntiang patag ng aming bayan, Normia, tahimik naming pinagmamasdan kasama ang mga kapatid ko si mama habang siya ay marahal na sumasayaw. Sa bawat kumpas at hawi ng kan'yang mga kamay, ang mga nagsasayawang mga halaman dala ng malalakas na hangin na sumasabay sa kaniya. Nakapikit niyang sinasayaw ang sarili at ninanamnam ang paligid hanggang sa siya ay matapos.

Sabay kaming nagpalakpakan nina Kitara at Liam. Binigyan kami ng malaking ngiti ni mama at yumuko pagkatapos ay niyaya kami pumunta sa kan'ya. Tumakbo at nagpaunahan kaming pumunta sa kaniya at sabay siyang niyakap. Saka kami nagtawanan.

"Minerva," tawag sa akin ni mama. "Umayos ka nga. Dalaga ka na kaya dapat nasa ayos na ang mga kilos mo," pangaral niya sa akin.

"'Ma, naman. Pinapatanda mo agad ako. Akala ko ba mananatili akong bata at sanggol sa paningin mo - ipaghehele at yayakapin nang napakahigpit hanggang sa magsawa ka po?" malungkot kong tugon na sabay ko s'yang niyakap at kiniskis ang mukha sa kaniya.

"Talaga naman... Ano ka? Isang pusa?" natatawa niyang tugon sa akin. "Siyempre naman mananatili kayong mga sanggol sa akin, mananatili kayong mga bata kahit may mga asawa't anak na kayo."

"Eh? Paano naman mangyayari iyon, 'ma, kung may mga asawa at anak na po kami? E'di matanda na po kami no'n, hindi na bata. Ang gulo niyo naman, 'ma," nagugulumihanang tanong ng bunsong lalaki namin.

Pinagtawanan namin siya dahil sa kaniyang pagiging inosente at sa kan'yang nakatutuwang mukha. Kapag kasi naguguluhan o nagagalit siya, sinusubukan naming pigilan ang sarili na hindi seryosohin s'ya. Nakakagigil kasi ang kaniyang mukha sa oras na nagiging ganoon siya, ang sarap kurutin ang mga matatambok niyang pisngi.

Pagkatapos ay tinuruan kami ni mama sa kaniyang sayaw. Akala ko noong una ay isang pangkaraniwang sayaw ito, ngunit nagkamali ako. Isa pala itong sining ng paglaban na ang sabi sa amin ay nagmula pa ito sa mga ninuno ni mama. Pumunta si mama sa harapan ko para maintindihan namin nang husto ang kaniyang tinuturo.

"Halimbawa, isa akong malaki at bruskong tao. Balak kong suntukin ang isang patpating babaeng katulad mo. Ano ang gagawin mo?" tanong niya.

Nag-isip ako nang malalim, subalit walang pumapasok sa aking isipan.

"Una sa lahat, ang gagawin mo ay iayos ang inyong tindig. Isentro mo ang inyong katawan sa lupa para hindi ka mawalan ng balanse. Importante rin ang tamang tindig at balanse dahil sa oras na mawalan ka ng balanse, magkakaroon sila ng pagkakataong sugurin ka," pangaral sa amin ni mama at saka s'ya sumuntok nang mabagal papunta sa akin. "Hindi mo kinakailangan ng lakas na pangangatawan para madipensahan mo ang pag-atake niya. Kailangan mong maging malambot at ilayo gamit ang mga kamay mo sa iyo - kinakailangan ng malambot na pangangatawan rito. Sa una, masasaktan ka dahil sa lakas ng puwersa mula sa mga suntok, pero kung nasanay na kayo o pinalambot ang inyong katawan, magiging sisiw na lang ito sa inyo," pagpapatuloy n'ya.

Pinakita sa amin ni mama kung ano ang mga pinupunto niya. Inutusan niya akong sumuntok sa kaniya na sabay niyang inikot ang kaniyang kamay sa palibot ko na para bang isang ahas. Sunod niya kinapit ang kamay ko nang mahigpit at mabilis niyang pinagsusuntok ang ibang parte ng aking katawan. Nagulat ako sa bilis niya ganoon din ang pag-aakala na tinuloy n'ya ang pagsuntok sa akin. Hindi dinikit ni mama ang kan'yang mga suntok sa akin bagkus ay pinakita niya lang sa amin kung saan ang mahihinang bahagi ng katawan ng isang tao.

"Mata, ilong, baba, lalamunan, gitna ng inyong dibdib, gulugod, siyempre hindi mawawala ang pagitan ng dalawang binti, tuhod, sa baba ng tuhod, at mga daliri sa paa. Iyang mga sinabi ko sa iyo ay mga mahihinang parte ng katawan ng tao, doon niyo sila patatamain kumpara sa ibang parte ng katawan. Kinakailangan din ng bilis ng katawan, mata, at pag-iisip," paliwanag niya. "Kapag natutunan niyo ang mga ito, madali niyo na mapag-aaralan ang susunod kong ituturo. Ang susunod kong ituturo ay kung paano humawak ng mga armas." Sabay niya akong binitawan.

"Pero, 'ma, bakit kailangan naman po namin ito matutunan? Hindi naman po kami makikipaglaban o ano," tanong ni Kitara kay mama.

"Hindi naman para sa pakikipaglaban ang tinuturo ko sa inyo, tinuturuan ko kayo upang protektahan ang inyong mga sarili," sagot ni mama. "Sige, ituloy na natin at kung sino ang unang makatapos, siya ang may masarap na pagkain ngayon."

Nang dahil sa sinambit niya, lahat kami ay ginanahan at tinuon ang atensyon upang mapag-aralan ito nang mabuti.

Araw-araw na namin itong pinag-aaralan na lumaon ay naging hilig na namin lalo na't sa parteng sinanay kaming gumamit ng armas. Espada ang armas na napunta sa akin subalit dahil baguhan pa ako, isang espadang kahoy ang ginagamit ko tuwing kami ay nagsasanay. Samantala kay Kitara naman ay balisong at kay Liam naman ay sibat. Gaya ng sa akin, ang lahat ng ginagamit nila sa pagsasanay ay mga gawa rin sa kahoy. Hindi kami ang pumili ng armas kung hindi si mama. Sinubok muna n'ya kami sa lahat ng mga armas at nagpasya sa kung ano ang nararapat sa amin base sa aming kakayahan at kaya ng aming katawan.

Dalawang taon din kami nagsanay at kahit kailan, hindi namin ginamit ang mga natutunan namin upang maghamon ng away maliban nga lang kay Liam. Masyadong, sabihin na lang natin, nagmana kay papa sa pagiging mainitin ang ulo at agad na napapasabak sa away. Dahil panganay ako, ako palagi ang sumusundo sa kaniya at humihingi ng pasens'ya sa mga nakakaaway niya. May mga pagkakataon din na hindi ko maunawaan kung bakit mabilis nila napapatawad si Liam kahit kitang-kita sa mga mukha nila ang mga natamo nilang sugat o suntok. Mabuti naman at marunong sila magpatawad.

"Pasensiya na talaga kayo sa kapatid ko, ayos lang ba kayo?" tanong ko sa isang lalaki, wari ko'y hindi nagkakalayo ang aming edad.

"Ah, ito ba? Sus, wala ito. Ayos na ayos lang naman ako 'tsaka bata siya, eh, sadyang... sadyang nadadala ng bugso ng damdamin at ano... iyon... hindi nagkakaunawaan tapos err... mga gano'n," nakangiti niyang sagot sa akin na sabay siyang tumawa nang mahina. Para ba siya ninenerbyos.

Napansin ko naman na bahagyang tumawa ang lalaking nasa likuran n'ya sa kaniya at nang nagkrus ang aming mga tingin, saka lang siya huminto - tinikom ang bibig, at kumaway sa akin. Akin naman siyang ningitian.

"Liam, humingi ka ng tawad sa kaniya," utos ko.

Nakita ko naman ang galit na mukha niya, nakanguso at nakakunot ang mga noo. Hindi ako pinansin at talagang nagmamatigas pa.

"Liam?" isa ko pang tawag sa kaniya na bahagya ko na tinaasan ng boses.

"Ano, M-Minerva..." Sabay siyang umubo at napalunok. "Ayos lang talaga. Ganito lang kami magtalo, minsan talaga may suntukang mangyayari pero sa huli magkakaayos din," usap niya.

Lalong kinunot ni Liam ang kaniyang noo.

Bumuntong ako ng hininga. "Salamat sa pag-intindi sa kapatid ko, ngunit sigurado ka bang ayos ka lang? Kung gusto mo tulungan kita gamutin ang mga sugat mo," alok ko sa kaniya.

"Talaga?" Natigilan s'ya at saka umiling. "Hindi, ayos lang talaga. Ang t-totoo nga niyan ay may pupuntahan pa kami, 'di ba, p're?" Sabay suntok sa balikat ng kaibigan niya nang mahina. "Saka itong kaibigan ko masyadong mainitin din ang ulo, kailangan na naming umalis," natatawa niyang sambit na sabay siyang napakamot sa batok.

"Teka, ba't dinadamay mo ako? May gusto ka lang kaya nagpapakit- Aw!" Hindi siya natapos sa pagsasalita nang agad siyang siniko sa tagiliran.

"Huwag ka na maingay..." bulong niya rito.

Wala akong ideya sa kung ano ang meron sa dalawa at bakit kakaiba ang kanilang kinikilos, hinayaan ko na lang sila.

"O sige. Kung ayaw mo talaga, mauuna na kami. Tara na, Liam." Agad ko namang pinatong ang kanang kamay ko sa balikat ni Liam at niyaya na s'yang umuwi.

Bago pa kami aalis ay ningitian ko muna ang dalawang lalaki, napansin ko naman na bigla ulit sila huminto sa pagtatalo(?) nila nang ako ay lumingon. Akin na lang tinuloy ang paglalakad ko.

Habang naglalakad saka lang nagsalita si Liam.

"Huwag ka masyadong maging mabait sa kanila. Mga pakitang tao lang iyon," inis na usap niya.

Nagpigil naman ako ng ngiti dahil sa nakakatuwa niyang mukha tuwing nagagalit siya.

"Mas maganda kung may isang taong magpapakumbaba para maging maayos ang away sa pagitan ng dalawang taong nag-aaway. Magparaya, parang gano'n," malumanay kong tugon. "Ilang beses ka ba dapat pagsabihan na 'wag kang mang-aaway? Kapag nalaman na naman ito ni mama, sigurado akong paluluhurin ka ulit sa munggo ng mga ilang oras o baka hanggang gabi na. Ihanda mo na sarili mo," panakot ko sa kaniya.

"Iyon lang? Hmph! May teknik na ako para hindi ako masaktan. Huwag mo naman sabihin kay mama ang nangyari ngayon, hindi ako bibigyan ng parusa kung hindi niya malalaman."

"Basta ako tahimik lang, ewan ko na lang sa mga kapit-bahay natin at baka umabot na kay mama ang balita na hindi pa tayo umuuwi," natatawa kong sambit sa kan'ya. "Basta, maghanda ka na lang pag-uwi."

Sa kabutihang palad, pag-uwi namin sa bahay ay walang natanggap na balita si mama tungkol sa away ni Liam.

Nagpatuloy ang payak naming pamumuhay. Araw-araw ganito: tinutulungan sa pananahi ng mga damit si mama; pagkatapos ay dinadala namin kay Manong Silyo ang mga damit upang ilako; aalagaan ang mga alaga naming manok, baka, at kambing; at higit sa lahat ang pagsasanay. Payak ngunit masaya.

Lumipas ang mga panahong kami ay nagsasanay, nararamdaman ko na napag-iiwanan na ako ng mga kapatid ko. Napansin ko na mas mahusay, mabilis, at matalino sila sa paggamit ng kanilang armas, samantala ako ay tanging pagwasiwas lamang ang nagagawa ko. Masaya akong nakikitaan sila ng mabilisang pag-unlad, ngunit nakakaramdam din ako ng inggit sa kanila.

Panganay ako at dapat isa akong magandang huwaran sa kanila, isang pinuno. May pagkakataon pa ngang nawawalan na ako ng gana ipagpatuloy pa ito dahil hindi ko naman nakikitaan ang sarili na umuunlad ako rito.

Isang araw, habang nakaupo sa tapat ng bintana at nakapangubaba na pinagmamasdan mula sa bintana ang mga kapatid kong nagsasanay sa labas, tinabihan ako ni mama - umupo sa aking tabi.

"Ayos ka lang, anak?"

"Hm! Opo, 'ma. Ayos na ayos. Nag... Nagpapahinga lang po ako dahil nangalay ang kamay ko sa pagtatahi," nakangiti kong pagsisinungaling sa kan'ya.

"Sigurado ka? Pero ba't parang iba ang sinasabi ng mga mata mo sa akin?" Saka niya hinawakan ang baba ko at inangat para makita nang husto ang mukha ko.

"Ngayon ko lang po nalaman na nagsasalita ang mata, akala ko bibig lang."

"Lokong bata."

Sabay naman kaming tumawa. Pagkatapos ay tumingin si mama sa labas upang tingnan sina Kitara at Liam.

"Alam ko ang nararamdaman mo. Sa katunayan niyan ay naramdaman ko rin iyan sa kapatid ko no'ng tinuturuan kami ni itay noon. Nakaramdam ako ng inggit sa kapatid ko dahil mas magaling pa s'ya at napagkukumpara pa ako sa kaniya," wika niya.

"Ikaw po, 'ma?" Hindi ako makapaniwala sa kaniya. Ang galing-galing kaya ni mama kaya nakapagtataka ang kan'yang sinabi.

"Oo naman. Bakit? Sa tingin mo ba ay basta-basta lang ako naging malakas?" banggit niya sa akin na sabay niyang itinaas ang kaliwang kilay. "Walang mabilis na paraan para maging malakas ka. Kahit ang diyos ng araw at patron ng mga mandirigma na si Apolaki ay dumaan din sa pagiging mahina upang siya ay lumakas.

"Karaniwan lang ang nararamdaman mo, anak, pero huwag mo hahayaan na madala ka nito. Ipagpatuloy mo lang ang iyong kagustuhan. Nakikita ko naman na nasisiyahan ka sa ginagawa mo kaya 'wag mong ihihinto dahil lamang sa nararamdaman mong inggit," pangaral niya sa akin.

Tahimik ko lang s'yang pinakinggan at wala akong maisagot sa kaniya. Akin namang tiningnan ang dalawa kong kapatid na masayang nagsasanay. Nakita ko pa nga na nagbibiruan pa ang dalawa at naghaharutan, para bang naglalaro lang sila at hindi nagsasanay.

Tama nga si mama, hindi ko dapat hayaang lamunin ako ng inggit. Isa sa dahilan kung bakit namin ito pinupursuging pag-aralan ay dahil gusto namin ito at hindi para magpagalingan.

Tumayo ako at nagpaalam kay mama, "Ako na ang magluluto ng hapunan."

"Ha? Hindi. Ayoko," mabilis niyang tanggi sa akin na agad naman s'yang tumayo at ako'y kaniyang nilapitan. "Mahal kita, anak, pero pakiusap lang, 'wag na 'wag kang lalapit sa kusina, ayokong masunog ang kalahating bahay natin." Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"'Ma, naman... Puwede mo naman po sabihin na hindi ako marunong magluto, sunog talaga?"

"Oo, dahil noong nakaraan muntikan na mangyari iyon. Buti na lang at naagapan ni Manong Silyo. Kung hindi siya dumalaw para kunin ang mga gawang damit natin, baka wala na akong maabutang bahay."

Napalunok ako ng laway na maalala muli ang nangyari noon.

Oo, inaamin ko na hindi ako masarap at marunong magluto kaya ang ginawa ko ay pasimple ako pumunta sa kusina at sumubok magluto. Prito lang naman ang ginawa ko pero hindi ko maintindihan kung bakit nasunog ang niluto ko noon. May sumpa yata ako pagdating sa pagluluto.

"Mas maganda kung... kung ikaw na lang muna ang manahi at ako ang magluluto. Mapapanatag pa ang kalooban ko," suhestiyon niya.

"Pero, 'ma... Paano naman ako matututo kung hindi niyo po ako tuturuan?"

"Naku, tinuruan na kita, anak. Pero kahit anong turo ko sa iyo, lahat palpak," mabilis niyang sagot. "Alam mo, anak, iba-iba ang kakayahan ng mga tao. Iyong iba magaling magluto at ang iba naman ay magaling sa pananahi, sa huli ka nabibilang, anak," nakangiti niyang sambit na sabay niya akong binigyan ng halik sa noo. "Tapusin mo na ang tinatapos mong damit. Sunod mo na tawagin sila para kumain."

"Sige po," walang gana kong tugon habang nakanguso.

Sinunod ko ang utos ni mama, tinuloy ang pananahi ko at pinapasok ang dalawa.

Sina Kitara at Liam naman ang naghanda ng aming mesa at sabay-sabay kaming kumain. Nagpasalamat kay Bathala sa mga biyayang natanggap at inumpisahang kainin ang mga pagkaing nasa hapag.

            
            

COPYRIGHT(©) 2022