The Devil's Hour
img img The Devil's Hour img Chapter 5 Where were they
5
Chapter 6 The Darkness Beneath img
Chapter 7 The Horror That Lies Within img
Chapter 8 In The Face Of Danger img
Chapter 9 He's Not Gonna Stop Part 1 img
Chapter 10 He's Not Gonna Stop Part 2 img
Chapter 11 The Glimmer Of Hope img
Chapter 12 The Town Behind The Hill img
Chapter 13 Happy Family img
Chapter 14 Town Feast img
Chapter 15 New Kid In Town img
Chapter 16 Into The Light img
Chapter 17 As The Reality Sets In img
Chapter 18 At Long Last img
Chapter 19 Calm Before The Storm img
Chapter 20 As The Truth Unveils img
Chapter 21 They Family img
Chapter 22 Save Them Kids img
Chapter 23 The Feast Of The Beast img
Chapter 24 In The Name Of Family img
Chapter 25 The Devil Come img
Chapter 26 Get Away From Hell img
Chapter 27 True Darkness img
Chapter 28 Whisper img
Chapter 29 Deliver Us From Evil img
Chapter 30 Slave img
Chapter 31 Swallowed By Darkness img
Chapter 32 Lost img
Chapter 33 They Father img
Chapter 34 As The Storm Comes img
Chapter 35 Kill Them All img
Chapter 36 The Danger Out There img
Chapter 37 Here He Comes img
Chapter 38 The Devil Burns Inside img
Chapter 39 Sacrifice img
Chapter 40 Piece In Our Hearts img
Chapter 41 Epilogue img
img
  /  1
img

Chapter 5 Where were they

Narrator's Pov

Concepcion Police Station

"Tulungan niyo po kami! Nawawala po ang anak namin! May kumuha po sa kanya habang natutulog kami!" Isang mag-asawa nagmamadaling lumapit sa front desk.

"Nasaan ang hepe dito!" Isang lalaking nasa late 50's naman ang pumasok kasama ang ilang lalaking mukhang bodyguards niya.

"Gov. bakit po? May problema po ba?" Tanong ng isang pulis.

"My daughter's missing and i need her found now! Or else i'll have all of your heads!" Pagbabanta ng gobernador

Sta.Barbara Police Station

"Tulong po! Nawawala po ang anak namin! Pag-gising namin kaninang umaga wala na sya sa kwarto niya! Umiiyak na lumapit ng isang mag-asawa sa nakatayong pulis.

"Arnorl! Arnold!"

"Lucy? Bakit? Anong nangyari?" Ani Arnold na mabilis lumapit sa kapatid.

"Arnold... Si Dessa! Nawawala si Dessa!" Nanginginig ang boses na panimula ng kapatid.

"Ano?! Anong nangyari sa pamangkin ko?!" Hindi makapaniwala ang binatang pulis.

"Hindi ko alam! Basta pag-gising ko wala na siya sa kuwarto niya! Arnold! Tulungan mo ko!" Umiiyak na pagmamaakawa ng kanyang nakababatang kapatid.

"Hahapin ko si Dessa at sisiguraduhin kong magbabayad ng mahal ang hayop na kumuha sa pamangkin." Buo ang loob na pangako ni Arnold.

Napalingon si Arnold sa paligid. Anong nangyayari? Bakit sabay-sabay nawala ang bata dito sa town namin? 'Yan ang ilan sa mga tanong tumatakbo sa kaniyang isipan. Something's wrong and he can feel it in his bones.

-----

"Mga kasama! Kakatapos ko lang makipag-usap sa kapatid kong isa ring pulis at nakadestino sa Concepcion. Limang bata rin ang inireport na nawawala sa kanila. Pati ang anak ng gobernador nawawala." Anunsiyo ng isang pulis na kakapasok lang sa istasyon.

"Ano?! Ano bang nangyayari? Limang bata rin ang naireport dito na nawawala tapos ganoon din sa Concepcion?! Sinong hayop ba ang gumawa nito?" Hindi na naitago ni Arnold ang kanyang emosyon.

"Pare, kumalma ka. Gagawin natin ang lahat para mahanap ang pamangkin mo." Pagpapakalma ng isa niyang kasamahan.

"Bakit ganyang ang mga mukha niyo? Anong nangyayari?" Halos sabay na tanong nila Lance at Daniel pagpasok nila sa istasyon. Galing sila sa port area ng Concepcion para mag-imbestiga sa kaso ng batang si Marissa.

"Saan ba kayo galing? Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ng kanilang hepe.

"We're investigating the Krystal De Luna murder case in connection with the order child murder cases from Concepcion, sir. Sa tingin namin may gumagalang serial killer dito sa bayangng Alonzo." Paliwanag ni Daniel.

"What! T*ngna! 'Yong pamangkin ko, sir.. Nawawala 'yong pamangkin ko. May sampung batang nawala sa kani-kanilang bahay mula sa kalaliman ng gabi. Posibleng..." Hindi maituloy ni Arnold ang sasabihin.

"Goddamnit! All of you! Stop your investigations for other cases! I want this prioritized! All hands on deck! Lahat ng nakalap niyong impormasyon tungkol sa mga batang nawawala dito sa Concepcion pagsama-samahin niyo! Lance! Contact your colleagues from Concepcion and request all the files they can give us regarding missing children from the past five years! Kontakin lahat ng police station sa buong Alonzo at kunin ang lahat ng missing children case pati na rin child murder case nila sa nakaraang limang taon! Kung may gumagala ngang serial killer ng mga bata dito sa Alonzo, gusto kong tayo ang makahuli sa hayop na 'yon! Babalatan natin siya ng buhay!" Nag-aapoy sa galit ang mga mata ng kanilang hepe.

"Yes, sir!" Sabay sabay nilang sagot bago nag-umpisa sa kani-kaniyang gawain.

May mga nag-umpisang tumawag sa mga police station sa buong bayan, ang iba naman ay dumiretso sa evidence room, mayroong nagbukas ng computer para kumuha maghanap ng mga napabalitang batang nawawala o natagpuang patay sa bayan ng Alonzo sa nakaraang limang taon at ang iba naman ay inumpisahan na pagkukumpara ng mga files ng mga naireport na batang nawawala kanina lang.

----

Simula kahapon ay palaging sumisilip si Antonia sa bintana ng kaniyang kapitbahay sa tuwing mapapadaan siya dito. Napakatahimik ng loob ng bahay. Aakalin mong walang nakatira dito. Ang mga tuyong halaman sa paligid ay hindi pa rin nalilinis. Nagmukha na itong nakakatakot na abandonadong bahay simula ng iwan ito ng may-ari limang taon na ang nakakaraan. Kung may nakabili na ng bahay at lupang ito bakit hindi man lang magawang linisan at ayusan?

"Antonia, it's not to see you again." The hairs on the back of her neck stood up as soon as heard the cold voice of the man behind him.

"H-henry! H-hi! N-nakabalik ka na p-pala! K-kamusta?" Natatarantang tugon niya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? May kailangan ka ba?" Tiim bagang na tanong ng lalaki.

"H-ha? W-wala. Oo, w-wala akong k-kailangan. Nagtataka lang kasi ako... ka-kasi ano... ah.. eh... B-bakit hindi mo man lang inaayos itong paligid ng bahay mo? K-kailangan mo ba ng tulong?" Kailangan niyang makapasok sa loob ng bahay. Iba ang pakiramdam niya sa nakita niya kahapon.

"Hindi na. Salamat sa offer. Marami lang akong inaasikaso kaya hindi ko maharap ang pag-aayos dito sa labas ng bahay." 'Yon lang at tumalikod na ang lalaki.

Aalis na sana si Antonia ng mapansin niya ang lalaylayan ng pantalon ng lalaki. Marumi ito na parang lumusong sa putikan pero meron pa siyang ibang napansin. Dati siyang nagtatrabaho sa forensic department ng San Sebastian bilang evidence data encoder. Siya ang nagpapasok ng bawat detalyeng makikita sa mga ebidensya sa computer database kaya naman napakatalas ng kaniyang mata. Ito nga ang dahilan kung bakit niya pinalayas ang kaniyang asawa. Meron siyang nakitang bakas ng isang substance sa underware nito na naging dahilan para mghiwalay sila.

"Ah- Henry..." Nag-aalangang tawag niya sa lalaki na nakapagpahinto naman dito.

"Bakit?" Tanong nito ng hindi lumilingon.

"Naiayos mo na ba 'yang loob ng bahay mo? Kung hindi pa, pwde kitang tulungan." Panunubok niya sa kapitbahay.

"Hindi na. Kaya ko na 'yon. Salamat nalang." Anito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Pagbalik ni Antonia sa kaniyang bahay ay dali dali niyang ini-lock ang lahat ng pinto bago sumilip sa bintanang katapat ng bahay ni Henry. Iba talaga ang kutob niya sa kapitbahay. Katulad ito ng naramdaman niya limang taon na ang nakakalipas.

----

Alas otso ng gabi ng marinig niyang umalis ang sasakyan ng kaniyang kapitbahay. Sinadya niyang patayin ang ilaw sa buong bahay kaninang alas siyete para isipin ni Henry na tulog na siya. Nang sumilip siya sa bintana ng kaniyang kuwarto ay nakita niyang papalayo na ang sasakyan nito. Dali-dali siyang lumabas ng bahay niya at dumiretso sa likurang bahagi ng bahay ni Henry.

Anong ginagawa mo dito sa likod bahay?

'Yan ang tanong niya sa kaniyang. Malakas ang naging pag-ulan kahapon ng umaga kaya siguradong maputik sa masukal na bahaging ito. Gamit ang dala niyang flashlight ay tiningnan niya ang buong paligid. Hindi siya pwdeng maglakad sa bahaging maputik dahil mahahalata ni Henry na may nanggaling dito. Sa bukana papunta sa kanang bahagi ng kakahuyan ay makikita ang mga bakas ng sapatos.

Sabi ko na nga ba dito niya nakuha ang putik sa lalaylayan ng pantalon niya.

Kailangan niya pang malaman kung anong ginawa niya sa kakahuyan. Maaari siya dumaan sa kaniyang likod bahay para makarating sa bahaging iyon. Pagputok ng liwanag bukas ay aalamin niya kung ano ang mayroon sa gawing iyon.

Babalik na sana siya sa kaniyang bahay ng may mapansin siyang paggalaw sa kaniyang kaliwa. Bintana pala ng basement ang nakita niya. Babalewalain na sana niya iyom dahil baka repleksiyon niya lang ang nakita niya pero para siyang napako sa kaniyang kinatatayuan dahil sa kaniyang nakita. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintana bago siya yumuko para maging magkalebel ang kaniya mukha at ang bintana ng basement. Kakaunting liwanag lang ang meron ang basement kaya nahirapan siyang makita ang loob nito nung una pero nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung ano ang itinatago ni Henry sa ilalim ng kaniyang bahay.

Mabilis siyang tumakbo papasok sa kaniyang. Sinigurado niyang nailock niya ang pinto bago niya dinampot ang telepono sa kaniyang living room.

"Hello? San Sebastian Police Station? Kailangan niyong magpadala ng mga tao niyo dito ngayon na. Nakita ko po 'yong mga batang nawawala mula sa Sta. Barbara at Concepcion. Please! Magpadala na kayo ng mga pulis dito kung gusto niyo pa silang abutang buhay!"

                         

COPYRIGHT(©) 2022